CEBU CITY – Isasagawa ang vaccination wide sa lungsod ng Mandaue matapos na nagpositibo ang Butuanon River sa poliovirus.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Rose Marie Tirado, ang City Health Officer ng Mandaue City, sinabi nitong nagsagawa sila ng spot map para sa mga residente na hindi pa nabakunahan.
Ayon kay Dr. Tirado na marami pang mga bata sa lungsod ang hindi nabigyan ng bakuna kaya ngayon na nagpositibo na sa poliovirus ang nasabing ilog ay isasagawa nila ang vaccination sa buong lungsod ng Mandaue.
Siniguro naman nito na sapat ang kanilang supply sa bakuna para sa polio kung saan makakaya nilang bakunahan ang mga hindi pa naturukan.
Aniya, marami pa silang stock na bakuna dahil diumanoy wala namang nagpapabakuna.
Giit nito na prayoridad muna nila ngayon ang mga residente na naninirahan malapit sa Butuanon River.
Gayunpaman, nilinaw ni Dr. Tirado na wala pa silang polio patient at tanging ang tubig lang ng nasabing ilog ang nagpositibo sa poliovirus.
Tangi ring precautionary measure lang ang kanilang ginagawa.
Kaya naman panawagan nito sa mga Mandauehanon na makipagtulungan sa kanila para sa kaligtasan ng lahat.