-- Advertisements --
Posibleng isagawa sa National Capital Region (NCR) ang implementasyon ng tinatawag na “vaccine bubbles” kung saan bibigyan ng mas maluwag na paggalaw ang mga taong naturukan na ng dalawang doses ng bakuna.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Karl Chua , na suportado niya ang nasabing “vaccine bubbles” para malaman kung ito ba ay epektibo o hindi.
Gagawin itong pakonti-konti at dadahan-dahanin sa NCR.
Inihalimbawa nito na baka magsimula sa 10 percent hanggang dagdagan pa ito sa mga susunod na linggo.
Nauna rito maraming mga grupo ang nagsusulong ng “vaccine bubbles” para sa mabuksan na ang ekonomiya.