-- Advertisements --
Nagpahayag ng kahandaan ang Danish drugmaker na Bavarian Nordic laban sa Monkey pox.
Ayon sa kumpanya na kaya nilang gumawa ng 10 milyon na bakuna pagdating ng 2025.
Sinabi ni Rolf Sass Sorensen ang vice president ng kumpanya na sa ngayong taon ay mayroon na silang dalawang milyon doses para sa nasabing virus.
Naghihintay lamang sila ng mga orders mula sa bansang nangangailangan ng bakuna bago gumawa ng maraming bilang.
Magugunitang idineklara ng World Health Organization ang monkeypox bilang global public health emergency dahil sa paglobo ng kaso nito sa Africa.