-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nakatakdang bisitahin ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr mga isolation facility nitong lungsod sa kanyang pagdating ngayong Hulyo 21.

Unang kinumpirma ni Gensan Mayor Ronnel Rivera na darating si Secretary Galvez matapos ang kanilang pakipag-ugnayan sa tanggapan ng opisyal.

Matatandaan nanawagan ang LGU Gensan sa NIATF na dagdagan ang bakuna na ipadala sa lungsod dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19.

Nalaman na nag average lamang ng 5,000 vials ang natanggap ng LGU mula sa DOH 12.

Personal din na ipaabut ng mga opisyal nitong lungsod kay Galvez na pabilisan ang pagbili ng Astrazeneca vaccine gamit ang P125M na budget.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Ben Claudio, vice president ng GSC- Chmaber of Commerce and Industry na umaasa silang mga negosyante na bulto-bulto ng covid vaccine ang madadala ni Sec. Galvez sa pagdating nito sa lungsod.

Maliban sa pag inspection sa mga isolation facility bisitahin din ni Secretary Galvez ang fishport Gensan para kausapin ang nasa fishing industry na isa sa importanteng sektor nitong lungsod na mabigyan ng bakuna.