Labis na ikinatuwa ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang response ng mga kababayan sa pagbuhos sa Day 1 pa lamang ng tatlong araw na mass vaccination sa iba’t ibang dako ng bansa.
Ayon kay Galvez sa inisyal nilang assessment ay maganda ang nakikita nilang resulta.
Sana raw ay magpatuloy ito at dumami pa ang bilang ng mga magpapabakuna lalo na at naghahabol muli ang bansa bunsod ng pangamba sa bagong variant ng COVID-19 na Omicron.
Pinuri naman ni Sec Galvez ang mga LGUs sa kahandaan sa mass vaccination at sana raw ay matupad ang kani-kanilang mga target.
Tinukoy din ng national task force chairman ang lalawigan ng Pangasinan sa magandang pangangasiwa sa pagdami ng mga nagpapabakuna, gayundin ang Region 11, ang Region 4-A, Region 3 at iba pang mga areas sa bansa.