-- Advertisements --

ILOILO CITY – Ibinunyag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na personal na humingi sa kanya si Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ng COVID-19 vaccines para sa Iloilo.

galvez LGUs
Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr.

Sa panayam kay Galvez, sinabi nito na hindi tama ang ginawa ng mambabatas dahil wala silang kapangyarihan sa pamamahagi ng bakuna.

Nilnaw naman ng kalihim na walang katotohanan ang bintang ni Garin na may nangyayaring palakasan sa alokasyon ng COVID-19 vaccines.

Sinabi ni Galvez na ang bakuna ay ipinapamahagi sa regional centers ng health development, provincial at city health offices na siyang nangunguna sa vaccination drive.

Samantalan, tinawag naman ni Garin si Galvez na sinungaling.

Ayon sa mambabatas, nais lang nitong malaman ang pantay na pamamahagi ng bakuna.