-- Advertisements --
Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr na paghalu-haluin ang mga pamimigay ng mga COVID-19 vaccines.
Ito ay para mapigilan ang pagpili ng mga tao ng mga bakunang nais nilang iturok sa kanila.
Sa kaniyang Talk to the People nitong hatinggabi ng Miyerkules sinabi ng pangulo na dapat balasahin ang mga kahon na ipamimigay sa bawat bayan o lungsod para maiwasan ang pagpipili ng mga tao ng brand ng bakuna.
Binalaan din nito ang mga medical workers na iwasan ang favoritism dahil nakakaapekto umano ito sa ginagawang vaccination program ng gobyerno.
Iginiit ng pangulo na lahat aniya ng uri ng bakuna ay epektibo kahit anong brand nito kaya dapat hindi mamili ang mga tao.