-- Advertisements --

Kumpiyansa pa rin ang United Kingdom na mababakunaha nila ang lahat ng mga may edad hanggang sa katapusan ng Hulyo.

Ito ay kahit na nagkaroon ng pagkaantala ng delivery ng nasa five milyon doses ng Oxford-AstraZeneca vaccine mula sa India.

Pansamantalang itinigil kasi ng hanggang apat na linggo ang COVID-19 vaccine na gawa ng Serum Institute of India.

Paglilinaw naman ni UK Housing Secretary Robert Jenrick na maaring nagkaroon ng problema sa factory at sa bansa.

Nalaman na lamang na nagkaroon ng kakulangan ng suplay ng nasbing bakuna noong mga nagdaang araw.