Magbibigay ang Japan ng $300-million sa lahat ng international body na magsu-supply ng bakuna para sa mga bansang tinamaan ng coronavirus disease sa buong mundo.
Ang naturang hakbang ay kasunod ng ginawang panawagan ng Gavi, ang Vaccine Alliance, sa international community na pondo ang pag-develop ng gamot at iba pang hakbang upang labanan ang COVID-19.
Una rito ay nangako na ang Japanese government na magbibigay ito ng $100-million sa World Health Organization ngunit kalaunan ay nagdesisyon ito na taasan pa ang kontribusyon ng hanggang $200-million.
Nakatakdang ianunsyo ni Prime Minister Shinzo Abe ang naturang tulong pinansyal sa pamamagitan ng isamh video message.
Puspusan ang pagtulong ng Japan sa paggawa ng gamot upang siguraduhin na matutuloy na ang 2020 Tokyo Olympc at Paralympic Games sa susunod na taon.