-- Advertisements --
Gumawa na ng paraan ang lungsod ng Makati para lalong dumami pa ang mga mababakunahan laban sa COVID-19.
Sa paglulunsad ng kauna-unahang drive-thru vaccination center ng Makati City ay matitiyak na mabibigyan nang pagkakataon ang mga mamamayan na magpaturok ng bakuna kahit na hindi na sila bababa sa kanilang sasakyan.
Prayoridad ng drive-thru vaccination site ay para sa mga senior citizens at mga may kapansanan.
Sa ginawang paglulunsad ay umabot agad sa 100 mga na mga bedridden at PWD ang naturukan ng COVID-19 vaccines.
Paglilinaw naman ni Makati City Mayor Abby Binay na dapat magparehistro muna ng online at nakatanggap na ng confirmation text para sa nasabing pagpapabakuna.