COTABATO CITY – Fake news pa rin ang nangungunang dahilan kung bakit nananatiling mataas ang vaccine hesitancy sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM, ito ang sinabi ni MOH BARMM OIC Minister Zul Qarneyn M. Abas, MD.
Sa naging pulong balitaan ng Ministry of Health sa Gov. Gutierrez Avenue, RH 7, Cotabato City, nitong araw ng Martes, March 22, sinabi ni Minister Abas na mabababa parin ang bilang ng mga nagpapabukana sa rehiyon dahil sa mga patuloy na kumakalat na mga maling impormasyon ukol COVID-19 vaccine.
Ang Lanao Del Sur parin ang may pinakamababang bilang ng mga nabakunahan sa buong BARMM
Samantala, magkakaroon ang MOH BARMM ng Special Vaccination Day kasama ang ilang Ministry ng BARMM Government sa darating na Abril. Ito ay isang Multi Agency Effort upang mas mapataas pa ang roll out ng bakuna sa rehiyon.
Sa panahon naman ng Ramadhan ng mga kapatid na Muslim, Sinabi ni Minister Abas na tuwing umaga nalang ang magiging roll out ng bakuna.
Muling nagpaalala ni Minister Abas, na sa panahon ng Ramadhan, ang pagpapabakuna ng mga Muslim hindi nakakasira ng pag aayuno.