-- Advertisements --

Napili ng American dictionary na Merriam-Webster ang salitang “vaccine” bilang word of the year ng 2021.

Ayon sa kumpanya na ang nasabing salita ay mas higit pa sa gamot ngayong 2021.

Sumisimbolo ang nasabing salita ng pagbabalik sa normal na buhay noong wala pa ang COVID-19 pandemic.

Umabot sa 601 percent na pagtaas na hinanap ang ibig sabihin ng nasabing salitang vaccine ngayong taong 2021.

Samantala mula 2019 hanggang 2021 ay umakyat ng 1048% na hinanap ang ibig ng salitang vaccine.