-- Advertisements --
Ipapatupad na ng gobyerno ng Japan ang vaccine passport sa susunod na buwan para sa mga mamamayan nilang magtutungo sa ibang bansa.
Sinabi ni Japan government spokesperson Katsunobu Kato na inihahanda na nila ang certificate of vaccinations para sa mga nangangailangan ng bumisita sa ibang bansa.
Ang certificate ay ibibigay ng mga local governments ito ay gawa sa papel imbes na digital.
Magugunitang isinulong European Union ang digital vacccine passport para sa pagbabalik ng mga turista upang sumigla muli ang turismo.