-- Advertisements --
NTF Vaccine simulation 1 1
IMAGE | The Philippine government on Tuesday conducted a full-scale simulation exercise as part of its preparations for the arrival of the COVID-19 vaccines this month/NTF, Facebook

MANILA – Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) sa kinalabasan ng simulation exercise ng COVID-19 vaccines kahapon mula sa paliparan patungong cold storage facility at vaccination sites.

“Generally it went well. So far, so good sabi nga ni Sec. (Francisco) Duque,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Batay sa assessment ng National Task Force against COVID-19, wastong naipatupad ng concerned agencies ang paghahatid ng bakuna mula Ninoy Aquino International Airport, papuntang Research Institute for Tropical Medicine at referral hospitals kahapon.

Mas mabilis umano kumpara sa itinaya nilang oras para sa “time and motion” ng vaccine pick-up at delivery.

“We were able to simulate and undertake the different processes in lesser time that was expected,” dagdag ni Vergeire.

“We were able to surpass and achieve it in a much lesser time than what was required.”

Inamin ng DOH spokesperson na inasahan na rin nila ang ilang aberya tulad ng aksidente at traffic sa paghahatid ng bakuna.

“When the simulation was ongoing the vehicles were passing through SLEX, biglang may aksidente so they had to go to another route para makarating sa RITM.”

“Mayroong ground commander that when he saw na may traffic, immediately the escorts were re-routed.”

Ayon kay Vergeire, mahalagang mabigyang pansin at agarang aksyon ang kahit maliliit na aberya dahil makaka-apekto ang mga ito sa paghahatid ng vaccine supply.

Bukod sa biyahe ng mga bakuna, kailangan din daw maayos ang paglilipat ng shipment mula sa eroplano papuntang refrigerator vans.

Dapat din umanong masiguro na limitado ang bilang ng tao sa bahagi ng paliparan na paglalapagan ng mga bakuna.

“Yun lang ang napansin na major in yesterday’s drill.”

Nagpupulong na raw ang ilang opisyal, kabilang na sina Vaccine czar Carlito Galvez at Health Usec. Myrna Cabotaje, para matukoy ang iba pang proseso na dapat paigtingin kaugnay ng vaccine logistics at cold storage.

Ang ginawang simulation exercise kahapon ay bahagi ng paghahanda sa inaasahang pagdating ng 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines ngayong buwan.