Naghahanda na ang national cold-chain and logistics partner ng pamahalaan para sa naka-iskedyul na tatlong araw na nationwide vaccination program na naglalayong mag-inoculate ng maraming Pilipino upang maprotektahan mula sa sakit na coronavirus (COVID-19).
Tinatawag na “Bayanihan Bakunahan”, ang programa ng pagbabakuna na gagawin mula Nob. 29 hanggang Dis. 1.
Tiniyak ng PharmaServ Express na ang pasilidad ng cold-chain sa Marikina City ay may sapat na kakayahan na mag-package at ipamahagi ang iba’t ibang brands ng bakuna sa COVID-19 na nangangailangan ng iba’t ibang temperatura sa anumang partikular na oras.
Isinaad nito na gumagamit din ito ng biothermal case system sa pag-iimpake ng mga bakuna para sa ligtas na paghahatid sa iba’t ibang local government units (LGUs).
Noong 2019, tumulong ang Pharmaserve express sa kampanya ng Department of Health (DOH) at UNICEF na pigilan ang paglaganap ng tigdas at polio.
Ang tatlong araw na programa ng pagbabakuna ay naglalayong mag-inoculate ng 15 milyong indibidwal sa 16 na rehiyon sa labas ng Metro Manila upang mapalakas ang inoculation rate ng bansa.Top