Inaasahan umano ni German Chancellor Angela Merkel na maaaprubahan na rin ang coronavirus vaccine sa Europa sa buwan ng December o sa unang bahagi ng susunod na taon.
Ginawa ni Merkel ang kumpirmasyon makaraan ang kanyang pulong sa mga European Union leaders.
Kabilang umano sa kanilang tinalakay ay ang paghiling ng Commission sa lahat ng mga miyembro na maging bukas para sa lahat ang kanilang mga vaccination plans.
Tulad aniya ng polisiya ng ibang mga bansa, uunahin ang mga benipisaryo sa bakuna ang mga medical staff at susundan ng mga “vulnerable persons.”
“I must say that the news in recent days about a vaccine is very positive and we think that there will be vaccine approvals by December or at least at the very beginning of next year and then of course vaccinations can begin,” ani Merkel.
Sa ngayon ang death toll sa Germany nationwide ay 13,630 habang ang kabuuang coronavirus case ay nasa 879,564.