Babanderang muli sa roster ng Philippine women’s national volleyball squad para sa 2019 SEA Games si Alyssa Valdez.
Sa anunsyo ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc., kasama rin sa line-up sina team captain Aby Maraño, beteranang sina Aiza Maizo-Pontillas, Mika Reyes, sisters Dindin Santiago-Manabat at Jaja Santiago, Majoy Baron, Denden Lazaro, Dawn Macandili, Jia Morado, Ces Molina, Mylene Paat, at MJ Phillips.
Hindi rin nawala ang mga bagong saltang sina Kath Arado, Tots Carlos, Angel Cayuna, Ced Domingo, Jema Galanza, Eya Laure, Jerrili Malabanan, Kalei Mau, at Alohi Robins-Hardy.
Sa 22 miyembro ng training pool, 15 lamang ang pipiliin para ikatawan ang national team.
Magsisilbi namang head coach si Shaq delos Santos, na susuporahan naman nina Brian Esquibel at Kung Fu Reyes.
Huling nagwagi ng ginto ang Pilipinas noong 1993 Games sa Singapore, kung saan tinalo nila ang powerhouse team Thailand.
Samantala, tampok naman si captain Johnvic de Guzman sa 20-man squad na kinabibilangan din nina Marck Espejo, Ranran Adbilla, Mark Alfafara, Bryan Bagunas, Kim Dayandante, Joven dela Vega, at Rex Intal.
Kabilang din sina Fauzi Ismail, Jack Kalingking, Jessie Lopez, Jeffrey Malabanan, Kim Malabunga, Rikko Marmeto, Ricky Marcos, Ish Polvorosa, Francis Saura, Jayvee Sumagaysay, Peter Torres, and Joshua Umandal.
Tatayo naman bilang coach ng men’s pool si Dante Alinsunurin.
Target ngayon ng team na mahigitan ang sixth-place finish na nailista nila noong 2015 at 2017 editions.