-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Niyanig ng lindol ang selebrasyon ng Valentine’s Day sa North Cotabato alas 10:30 nitong gabi ng Lunes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, isang magnitude 3.8 na lindol ang yumanig sa lalawigan.

Sentro ng lindol ang bayan ng Alamada Cotabato kung saan may lalim itong 8 kilometers.

Naramdaman ang Intensity II sa mga bayan ng Banisilan, Cotabato at Wao, Lanao del Sur.

Wala namang naitalang pinsala ng lindol ngunit nagdulot ng takot sa mga residente.