-- Advertisements --
Nagpatupad ng pagbabago ang lungsod ng Valenzuela matapos na tanggalin ang liquor ban.
Simula October 15 ay hindi epektibo ang Stay Sober Ordinance o ang Liquor Ban at ito ay papalitan ng Liquor Regulation During the Pandemic Ordinance.
Nakasaad sa nasabing “Liquor regulation ordinance” na ang mga alcoholic drinks ay bawal na ibenta sa mga kabataan ganun din sa mga buntis at sa tuwing curfew mula 10 p.m. hanggang 5 p.m.
Pagbabawalan din sa ordinansa sa pag-inom sa mga pampublikong lugar.
Papayagan ang pag-inom sa mga establishimento subalit ipagbabawal ang videoke at acoustic live band.
Unang ipinatupad ng lungsod ang liquor ban noong Marso kung saan pinagbabawalan ang mga residente na lumabas sa kanilang mga bahay.