Pinayagan na ng Valenzuela Regional Trial Court branch 282 ang hiling ni Senadora Risa Hontiveros na padaluhin si dismissed Bamban mayor Alice Guo sa muling pagdinig ng Senado bukas, Setyembre 17, hinggil sa mga iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at iba pa.
Batay sa order, inatasan ni Judge Elena Amano ang pambansang pulisya na dalhin si Guo sa mataas na kapulungan bukas dakong alas-9 ng umaga.
Iniutos din ang pagpapatupad nang mahigpit na security protocol para sa suspendidong alkalde.
Napunta sa sala ni Judge Amano ang dalawang graft cases ni Guo na orihinal na isinampa sa Capas, Tarlac Regional Trial Court branch 109.
Ipinalipat ang kaso matapos makwestiyon ang hurisdiksyon ng Capas RTC dahil nasa lalawigan na pinagmulan ni Guo.
Nakaditene sa ngayon si Guo matapos na hindi magbayad ng piyansa sa korte sa kasong paglabag sa anti graft and corrupt practices act.
Una nang sinabi ni Hontiveros na maraming dapat ipaliwawag si Guo sa pagdinig.
Giit ni Hontiveros, pagbabayaran niya ang mga ginawa niyang mali sa sambayanang Pilipino.