-- Advertisements --

Umabot na sa 29 election-related incidents ang validated na ng Philippine National Police (PNP) ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Inihayag ito ni Garcia sa isang ambush interview sa camp crame matapos ang kanilang security briefing kay PNP Chief PGen Rommel Marbil at Regional Directors ng PNP.

Ayon kay Garcia, maliban sa 29 ERI, may mga biniberipika at iniimbestigahan pa ang PNP na nasa 12 hanggang 15 insidente, at pinakamarami raw sa mga election-related violence na ito ay mula sa BARMM.

Sa ngayon may inaantay daw ang Comelec na 300-page report ng regional offices ng PNP na kinakailangan pa aprubahan ng Regional Joint Security Command Center para malaman kung ilan ang casualties sa mga beripikadong ERIs.