-- Advertisements --
image 342

Samu’t sari ang naging reaction ng ilang mga driver kaugnay ng validity extension ng drivers license na dapat mag eexpire mula Abril 24, ito ay magtatagal pa hanggang Oktubre 31 ngayong taon.

Ang ilan ay natuwa, samantalang ang iba naman ay tatalima na lang raw dito dahil wala namang magagawa kung ito talaga ang polisiya.

Ayon kay Jonard Hardio, maganda raw ito dahil makatutulong ito sa mga pampasaherong driver na makapag ipon pa ng kanilang pang rehistro.

Samantala, ayon naman kay Rogelio Samson, susunod na lamang umano siya dito.

Kung matatandaan, nag anunsyo ang Land Transportation Office na bibigyan ng validity extension ang mga drivers license na mag eexpire simul Abril 24 hanggang Oktubre 31.

Layunin nito na maibsan ang kinakaharap na problema ng pamunuan dahil kung matatandaan ay kinakapos ngayon sa supply ng drivers license plastic card ang ahensya.

Ito rin daw makatutulong sa mga driver na magkaroon pa ng sapat na oras sa pag rerenew ng kanilang lisensya.