-- Advertisements --

Mas matatagalan pa susunod na pagpoproseso ng mga gun owner sa kanilang mga lisensya sa pagmamay-ari ng baril o License to Own and Possess Firearms o LTOPF.

Ito ay matapos na mas palawigin pa ng PnP ang validity ng mga lisensya ng baril sa lima hanggang sampung taon mula sa dating isa hanggang dalawang taon.

Kaugnay ito sa ipinatupad ng PNP Firearms and Explosives Office sa ilalim ng Civil Security Group na Republic Act 11766 na siyang nag-aamiyenda naman sa Republic Act 10591 o ang Firearms and Ammunition Regulations Act

Ayon kay PNP Civil Security Group Director, P/MGen. Benjamin Silo Jr, bukod dito ay ginawa na ring 2 taon ang validity ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence mula sa dating 1 taon

Gayunman, sinabi ni Silo na kaakibat ng pinalawig na validity ng LTOPF at Permit to Carry ng mga baril ay ang pagtaas din ng bayarin sa pagkuha nito depende sa kung gaano katagal ito nanaisin ng isang gun owner

Alinsunod aniya sa resolusyong inilabas ng National Police Commission o NAPOLCOM, magiging epektibo ang adjusted fees sa LTOPF at Permit to Carry sa mga baril simula Marso a-16

Sa kasalukuyang panuntunan kasi…

Type 1- Php 1,000
Type 2- Php 2,000
Type 3 – Php3,000
Type 4- Php2,500
Type 5- Php 5,000

Pero sa ilalim ng bagong patakaran..

5 years validity:
Type 1 – Php 1,000
Type 2- Php 5,000
Type 3- Php 7,500
Type 4- Php 12,500
Type 5 – Php 25,000

10 years validity:
Type 1- Php 2,000
Type 2- Php 10,000
Type 3- Php 15,000
Type 4- Php 25,000
Type 5- Php 50,000

Samantala, mula naman sa Php 6,000 piso na annual fee para sa Permit To Carry Firearms Outside of Residence ay magiging Php 12,000 na ngayon at may bisa ng 2 taon

Kaugnay nito, sinabi ni Silo na pabor pa ito mga gun owner pero kung nais pa ring makatipid, hinikayat naman ng PNP CSG ang mga gun owner na magrenew na ng lisensya bago magsimula ang pagpapatupad ng bagong patakaran sa Marso 16. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)