-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang writer na si LJ Smith sa edad na 66.

Kinumpirma ito ng kaniyang partner na si Julie Divola at kapatid na babae na si Judy Clifford ang pagpanaw ni LJ.

Hindi na umano nito nakayanan ang pakikpaglaban niya sa autoimmune disease at namayapa sa bahay niya sa Walnut Creek, California.

Si Lisa Jane Smith ay isinilang noong Setyembre 4, 1958 sa Florida at lumaki na lamang sa California.

Nag-aral siya ng experimental psychology sa University of California, Santa Barbara kung saan nagtrabaho siya bilang special education at kindergarten teacher.

Unang nobela na kaniyang naisulat ay ang “The Night of the Soltice” na isang fantasy book na ginawa niya noong high school pa lamang.

Nagkaroon ito ng kasunduan sa Alloy Entertainment para isulat ang “The Vampire Diares” na nagsimula sa tatlong libro na inilabas noong 1991 at sinundan ng pang-apat noong 1992.

Taong 2009 ng ginawang TV series ang nasabing libro hanggang naipagpatuloy noong 2017.

Ilan pa sa mga ginawa nitong nobela ay ang young adult series na “Dark Visions” at “Night World” ganun din ang “The Secret Circle”.