DAVAO CITY – Inihayag ni Davao City Mayor Sara Duterte nga hinahanda na ngayon ng lokal na pamahalaan ang pag-operate sa “Van City” na may 400 bed capacity bilang treatment monitoring facility (TTMF).
Kinokonsidera ang Van City bilang pinakamalaking TTMF sa siyudad na malapit sa Tent city sa Davao Interntional Airport.
Ayon sa alkalde kinakailangan na dagdagan ang mga TTMF lalo na at patuloy ngayon ang pagtaas ng kaso ng covid-19 sa syudad.
Maliban nito, hinahanda na arin ang dagdag na tatlong mga pasilidad na may 250 bed capacity.
Sa kasalukuyan, nasa 5,525 ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso sa siyudad matapos na maitala ang dagdag na 422 ka mga bagong kaso ng covid-19 ang siyudad
Nanawagan rin ang opisyal na manatiling sumunod sa health protocols para matiyak na mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga nahawa ng virus.