-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binato ng mga hindi kilalang mga suspek ang isang van na sinakyan ng isang hard hitting radio commentator sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng pulisya na binato ng mga hindi nakilalang mga kalalakihan ang van na sinakyan ni Eric Dugaduga pauwi ng kanilang tahanan at apat nitong mga kasamahan sa Barangay Kolambog Isulan Sultan Kudarat.

Swerte namang walang nasugatan sa pambabato ngunit nasawak ang salamin ng van sa likurang bahagi.

Si Dugaduga ay Anchorman ng Punto for punto program sa himpilan ng Radyo ni Juan sa Tacurong City.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Isulan PNP sa naturang pangyayari.