Hinikayat ng asawa ng yumaong NBA star Kobe Bryant na si Vanessa ang mga mambabatas sa US na gumawa ng bagong helicopter safety bill.
Ito ay matapos ang pagkasawi ng Los Angeles Lakers star kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa.
Ayon kay Vanessa, na ang pagpasa ng panibagong federal law ay para mag-improve ang kaligtasan ng mga nag-ooperate ng helicopter sa US.
Naniniwala kasi ito na buhay pa sana ang kaniyang mag-ama kung may nakalagay na safety equipment ang mga helicopter.
Ang pahayag ni Vanessa ay kasunod ng pagpapakilala ni Californian Democratic Rep. Brad Sherman ng “Kobe Bryant and Gianna Bryant Helicopter Safety Act”.
Hiniling din ni Vanessa na palitan din ang tawag sa black box at gawin itong Mamba 8 Box bilang pagkilala sa tatlong batang Mamba team players at 2 Mamba coaches at tatlong Mamba parents na kabilang sa nasawi.
Magugunitang bumagsak ang sinakyang helicopter ni Bryant noong Enero habang patungo ang mga ito sa Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks, California.