-- Advertisements --

Kinasuhan ni Vanessa Bryant ang Los Angeles County Sheriff Department dahil sa paglabas nila ng mga larawan ng pagbagsak ng helicopter kung saan nasawi ang asawa nitong si NBA star Kobe Bryant at anak na si Gianna.

Hindi naman nabanggit sa kaso kung magkano ang hinihinging damyos ni Bryant para sa negligence, invasion of privacy at intentional infliction of emotional distress.

Noong Mayo kasi ay tiniyak sa kaniya ni Sheriff Alex Villanueva na mapoprotektahan ang privacy ng pamilya sa crash site.

Magugunitang bumagsak ang sinakyang helicopter ng Los Angeles Lakers star at anak nito kasama ang pitong iba pa noong Enero 27.