-- Advertisements --

Kinontra ni Vanessa Bryant ang hiling ng kampo ng Island Express Helicopters na ilipat ang lugar na pagdinig sa kaso.

Hiniling kasi ng nasabing kumpanya na ilipat na lamang sa Orange county mula sa Los Angeles ang pagdinig ng kaso dahil naniniwala sila na hindi sila makakakuha ng patas na hustisya.

Sinabi ng maybahay ng nasawing NBA star na si Kobe, na dapat sa LA ganapin ito dahil dito nangyari ang aksidente.

Dagdag pa nito na kahit saan sa US ay kilalang-kilala ang asawa nito.

Ipapaubaya na lamang nito ang judge ang desisyon kung ililipat ang lugar sa pagdinig ng kaso.

Magugunitang sinampahan ng kaso ni Vanessa ang kumpanya ng helicopter na bumagsak na sinakyan ng Los Angeles Lakers star kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa noong Enero.