-- Advertisements --
Muling inalala ni Vanessa Bryant ang kaniyang nasawing asawa na si Kobe at anak na si Gianna.
Sa kaniyang social media account , nagpost ito ng larawan nilang dalawa at may caption na “loving husband” at “The Best Daddy”.
Bukod sa pagiging asawa aniya ay itinuturing pa kasi nito ang asawa bilang matalik na kaibigan.
Nagpost pa ito ng video habang ini-interview ang Los Angeles Lakers star na tinukoy ang asawang si Vanessa bilang kaniyang matalik na kaibigan.
Ito na ang pangalawang beses na nagpost sa social media ang asawa ng ng NBA star mula ng mangyari ang aksidente mahigit na dalawang linggo.
Hindi pa rin nagbibigay ng anumang detalye ang kampo ni Bryant sa gagawing burol nito.