-- Advertisements --
Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag si Vanessa Bryant mula ng masawi sa aksidente ang asawang si Kobe at anak ni Gigi.
Tanging ang ginawa lamang nito ay pinalitan niya ang profile picture ng kaniyang social media account ng larawan ng asawa at anak na magkasama.
Ito lamang ang naging hakbang ng maybahay ng NBA legend ilang araw mula ng masawi sa pagbagsak ng helicopter ang asawa at anak kasama ang pitong iba pa.
Makikita sa larawan na ginawang profile picture na niyayakap ng Los Angeles Lakers star ang anak.
Kinuha ang larawan noong 2016 NBA All-Star Game sa Toronto ang huling 18 All-star appearance ni Bryant.