-- Advertisements --
Pinayagan na ng Judge sa US si Vanessa Bryant na kunin ang mga pangalan ng nagpakalat ng larawan sa pagkasawi ni NBA star Kobe Bryant.
Ibinasura kasi ng judge ang hiling ng Los Angeles County lawyers na itago na lamang ang mga pangalan.
Dahil sa nasabing desisyon ng judge ay idadagdag ang apat na pangalan ng mga deputies na kakasuhan ni Bryant.
Noong Mayo 2020 ay nasampa ng kaso si Vanessa Bryant laban sa county sheriff department dahil sa hindi otorisadong pagpakalat ng larawan sa pagbagsak ng sinakyang helicopter ng Los Angeles Lakers star at anak nitong si Gianna.
Tanging ang mga imbestigador mula sa National Transportation Safety Board at ang coroner’s office ay siyang otorisadong maglabas ng mga larawan.