-- Advertisements --

Nagtala si Fred VanVleet ng franchise record na 54 points kasama na ang career-best na 11 mga 3-pointers sa panalo ng Toronto Raptors laban sa Orlando Magic, 123-108.

Sa tindi ng init ng kamay ni VanVleet nagawa niya ang 11 three pointers sa kanyang unang 12 tira mula sa 3-point range.

Raptors Fred VanVleet 1
Raptors guard Fred VanVleet (photo @Raptors)

Umabot din sa 17 ang kanyang naipasok sa 23 attempts at 9 of 9 sa free throw line upang lampasan ang dating franchise record na 52 points ni DeMar DeRozan na naiposte sa laban kontra Milwaukee noong Jan. 1, 2018.

Batay naman sa Elias Sports Bureau, ang nagawa ni VanVleet ay ang pinakamaraming puntos sa NBA game na nagawa ng isang undrafted player.

Huling nangyari ito ay ang 53 points ng Hall of Fame big man na si Moses Malone na naganap sa pareho ding petsa at nakalipas na ang 39 na taon.

Hindi naman makapaniwala si VanFleet, 26, at tinawag na “unbelievable” ang naturang record at maihanay pa siya sa mga NBA greats.

Samantala tumulong din sa opensa ng Raptors sina Norman Powell na may 23 points at si Kyle Lowry na nagpakitang gilas sa triple-double kasama ang 14 points, 10 rebounds at 10 assists.

Sa kampo ng Magic ito na ang ikalawang sunod nilang talo sa loob ng tatlong araw.

Muling nasayang ang diskarte ni Nikola Vucevic na amy 21 points at 18 rebounds.

Sa ngayon hawak ng Toronto ang 9-12 record habang ang Magic ay may kartada na 8-14.