-- Advertisements --
9A101A80 7BFD 4529 8749 1C6E9268CE5E

Nagpahayag ng pagkaalarma si Senator Pia Cayetano sa mga nakaaakit na designs and flavor ng e-cigarette at vape products na target ang mga kabataan bilang primary market. 

Sa plenary session, sinabi ni Cayetano sa kanyang privilege speech, na ang pagpasa ng Republic Act 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act ay nilabag ang ang mga proteksiyon na hakbang na inilagay sa ilalim ng 2020 Sin Tax Reform Act.  

Bilang Pangulo ng Committee on Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking, sinabi ni Cayetano na nais niyang tiyakin ang malusog na pamumuhay at isulong ang kapakanan ng mamamayang Pilipino. 

“All the senators will agree that even you’re not smoker, obviously we’re human beings, kapag maganda sa mata we are attracted, kung maganda sa pandinig natin we are attracted.” Ani Cayetano. 

Ayon pa sa mambabatas, nasa 2.7 milyong Pilipino ang gumagamit ng e-cigarette at vaping device at base sa ulat, lumalabas na mas nakasasama ito kaysa sa paninigarilyo. 

Noong 2020, mayroong 2,807 kaso ng paggamit ng e-cigarette at vaping na nagkaroon ng sakit sa baga at kumpirmadong 68 ang namatay.

Nananawagan naman si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na ganap na ipatupad ang Republic Act (RA) No. 11900, o mas kilala sa tawag na Vape Law, para ihinto ang pagbebenta ng mga vape products na may flavor descriptors gaya ng mga fruits, candy o dessert, at mga cartoon character na nakaaakit sa mga menor de edad. 

Sa plenary session nagbigay ng suporta si Pimentel kay Sen. Pia Cayetano, sa kanyang privilege speech, na kung saan ay inilantad nito ang pagbebenta ng mga vape products na may mga disenyong lumalabag sa RA 11900.

Giit ni Pimentel, kinakailangan umanong suriin ang tunay na kalagayan na nangyayari sa isyu na ito at kung bakit aniya sa kabila ng may batas, ay walang pagkontrol sa vape industry. 

Nanawagan din ang minority leader na siyasatin kung ano ang mga aksyon na ginawa ng mga nauugnay na ahensya ng gobyerno para tulungan ang mga e-cigarette business. 

Panahon na aniya para panagutin ang ahensya ng gobyerno na pinahintulutan o binigyan ng kapangyarihan para i-regulate ang industriya ng vaping. 

Hiniling naman ng mga mambabatas na itaguyod ng Department of Trade and Industry (DTI) ang batas.