-- Advertisements --

Ibinunyag ng pamunuan ng PBA na malaki ang kanilang ibubuhos na pondo para sa gagawing PBA bubble upang matuloy ang naudlot na 2020 season dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas, papalo sa P65-milyon ang kinakailangang ilabas ng liga para maumpisahan ang season sa isang enclosed na kapaligiran sa New Clark City sa Angeles, Pampanga.

“The commissioner has always stayed away from that question. But I’ll tell you, it’s close to P65 million that will cost us,” wika ni Vargas.

Pero bago ito, tumanggi ang Board at si commissioner Willie Marcial na sabihin kung magkano ang gagastusin ng PBA sa pagtatayo ng bubble na ihahango sa konsepto ng NBA sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Dagdag ni Vargas, uubos ng milyon-milyong pera ang liga makaraang piliin nila sa board meeting ang Clark City bilang venue ng itatayong bubble para muling simulan ang season ng PBA.