-- Advertisements --
LAOAG CITY – Kinumpirma ni Senator Imee Marcos na hindi na mapapatawan ng Value Added Tax (VAT) ang mga gamot na ibinibenta dito sa bansa.
Ito’y matapos aprubahan ng Senado ang isinulong na batas na pag-alis ng VAT sa mga prescribed medicines.
Ayon kay Senator Marcos, hindi na mahihirapan ang mga Pilipino na bumili ng mga kailangan nilang gamot lalo na sa mga senior citizens.
Unang inihabilin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapababa sa presyo ng nasa 133 klase ng gamot na pangunahing binibili para sa mga cancer patients, diabetis, high blood pressure at iba pang sakit.