-- Advertisements --

Binati ng Vatican ang pagkapanalo ng bagong halal na presidente ng Estados Unidos na si Donald Trump.

Ayon kay Italian Cardinal Pietro Parolin, Vatican Secretary, na sana ay magkaroon ng karunungan ang bagong halal na presidente sa pagtugon sa mga hamon sa mundo.

Ito umano ay marapat na taglayin ng isang lider ayon din sa bibliya.

Dagdag pa ni Parolin na umaasa ang Vatican sa naging pangako ni Trump na wawakasan ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia sa loob ng 24 hours.

Para matapos ang kaguluhan, kinakailangan umano ng ‘humility’ at isipin ang makabubuti sa lahat.

Ang naging pahayag ng Vatican Secretary ang kauna-unahang reaksyon mula sa ‘Holy See”.

Hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang pahayag mula kay Pope Francis hinggil sa muling pagkakatalaga kay Trump bilang presidente ng US.

Maalala na napuna ng Santo Papa ang naging pag-sang-ayon ni Trump at ni katunggali nitong si Kamala Harris patungkol sa abortion at anti-immigrant policies. (report by Bombo Yza Cotoner)