VATICAN CITY – Dahil sa hindi umano takot sa kasaysayan ang Simbahang Katolika, napagpasyahan ni Pope Francis na buksan ang Vatican archives patungkol kay Pope Pius XII, na nagsilbi noong World War 2.
Patuloy kasing umaani ng mga batikos si Pius XII dahil sa umano’y pananahimik nito sa Holocaust, o malawakang pagpatay sa mga Jews noong panahon ng digmaan.
Sinabi ni Francis sa mga opisyal at tauhan ng Vatican Secret Archives, bubuksan ang naturang archive sa mga researchers sa Marso 2, 2020.
“The church isn’t afraid of history, on the contrary, it loves it, and would like to love it even more, like it loves God,†wika ng Catholic pontiff.
“Thus, with the same trust of my predecessors, I open, and entrust to researchers, this patrimony of documentation.â€
Nakasisiguro naman ang Santo Papa na matitimbang nang tama ng historical research ang legasiya ni Pius na may “appropriate criticism.”
Una rito, todo depensa ang Vatican kay Pius kung saan gumamit umano ito ng “behing-the-scenes” diplomacy upang makapagligtas ng buhay.
Nahalal bilang pinuno ng Simbahang Katolika si Pius noong Marso 2, 1939, o anim na buwan bago pumutok ang World War 2 sa Europe. (Associated Press)