Bubuksan na ngayong araw, Marso 2, ng Vatican ang archives ng itinuturing na pinakakontrobersyal na Santo Papa sa kasaysayan na si Pius XII.
Inaakusahan kasi ng mga kritiko si Pius na umano’y kapanalig ng Nazi bunsod ng pananahimik nito noong kasagsagan ng pagpatay sa 6-milyong Hudyo noong Holocaust.
Ngunit depensa naman ng kanyang mga tagapagtanggol, tahimik daw nitong hinimok ang mga kumbento at iba pang mga Catholic institutions na magkanlong ng libu-libong mga Jews.
“The opening of the archives is decisive for the contemporary history of the church and the world,” wika ni Cardinal José Tolentino Calaça de Mendonça, ang archivist ng Vatican.
Nasa 200 na mga researchers ang nag-request na ng access sa bulto-bultong mga dokumento, na isinapubliko matapos ang mahigit 14 taong inventory ng mga archivists sa Holy See.
Ang nasabing hakbang ay una nang inanunsyo ni Pope Francis, at iginiit na hindi umano takot ang simbahan sa kasaysayan. (AFP/ The Guardian)