Hinatulang guilty ng Vatican court ang dating adviser ni Pope Francis na si Cardinal Angelo Becciu ng limang taon at anim na buwang pagkakakulong dahil sa kasong embezzlement.
Si Becciu ang pinakamataas na opisyal ng simbahan na humarap sa korte dahil sa patong-patong na kasong pinansiyal at pinakaunang Cardinal na nahatulang guilty ng Vatican court.
Nasangkot ang Cardinal sa kahina-hinalang 400 milyong dolyar na land deal sa London kung saan nalugi sila ng humigit-kumulang 150 milyong dolyar.
Bukod dito, nasangkot din si Becciu sa paglipat ng tinatayang 240,000 dollars sa kanyang home diocese sa Sardinia kung saan sinabi ng prosekusyon na nakinabang ang pamilya ni Becciu sa pera.
Ayon sa abogado ng Cardinal, nirerespeto nila ang hatol pero hindi pa aniya tapos ang laban dahil iaapela pa nila ang kaso.
(Photo courtesy of Vatican Media)