-- Advertisements --

Hindi pa rin matiyak ng Vatican kung hanggang kailan mananatili sa pagamutan si Pope Francis.

Nasa dalawang linggo ng nakaratay sa Gemeli hospital ang 88-anyos na Santo Papa at patuloy na nakikipaglaban sa double pneumonia.

Ayon pa sa Vatican na naging mapayapa ang kondisyon ng Santo Papa at mahimbing ang tulog nito sa mga nagdaang gabi.

Nakakalakad din ito sa loob ng kaniyang kuwarto kung saan paminsan-minsan umuupo pa at nakakakain ng normal.

Nakakabit pa rin ang supplementary oxygen mula kaniyang ilong pero humihinga naman ito sa sarili.

Una ng sinabi ng kaniyang mga doctors na nagkaroon ng improvements ang kaniyang chest CT scan kung saan normal na ang lagay ng kaniyang baga.

Maging ang kaniyang kidney ay nagkaroon na rin ng bahagyang improvements.

Naging prone lamang sa lung infection umano ang Santo Papa dahil dinapuan na ito ng pleurisy noong bata-bata pa at tinanggal na rin ang isang bahagi ng kaniyang baga.

Taong 2021 at 2023 ng sumailalim na ito ng intestinal surgery.