Kinumpirma ng tanggapan ni Pope Francis ang pag-resign sa puwesto ng isa sa pinakamataas na opisyal sa Vatican.
Ang nagbitiw ay si Cardinal Giovanni Angelo Becciu na siyang ikalawa sa pinaka-most senior official sa Vatican Secretariat of State.
Si Becciu ay dati nang nasangkot sa iskandalo sa investment sa isang magarang building sa London.
Sinasabing limang staff ang sinuspinde rin noong nakaraang taon nang magsagawa ng raid ang mga otoridad sa tanggapan ng Secretariat.
Kinumpiska ng Vatican police ang ilang mga dukumento at computers.
Mariin namang itinanggi ng cardinal ang isyu sa financial scandal.
Batay sa statement ng Holy See, hindi naman binanggit ang dahilan sa pag-resign ni Cardinal Giovanni sa office of Prefect of the Congregation for the Causes of Saints.
Ang naturang puwesto ang siyang namumuno rin sa pag-apruba sa denideklarang santo ng simbahan.
Sa loob ng anim na taon hinawakan ni Cardinal Becciu ang pagiging Substitute for General Affairs sa Secretariat of State na kabilang sa nagbibigay payo sa Santo Papa.
Una nang hinirang si Becciu bilang cardinal noong 2018.
Sa kabila ng kanyang pag-resign mananatili pa rin ang kanyang titulo pero hindi na siya puwedeng bomoto sa susunod na pagpili ng isang Santo Papa.
“The Holy Father accepted the resignation from the office of Prefect of the Congregation for the Causes of Saints and from the rights connected to the Cardinalate, presented by His Eminence Cardinal Giovanni Angelo Becciu,” bahagi ng statement mula sa Holy See.