-- Advertisements --

Umaasa ang Vatican na makonsensiya ang mga opisyal ng mga bansa na nagsisimula ng mga kaguluhan o giyera.

Sa unang pagkakataon na reaksyon ng Vatican sa paglusob ng Russia sa Ukraine, sinabi ni Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin na ang nagkatotoo na ang kinakatakutan ng maraming tao.

Sinabi pa ni Parolin na siyang pangalawang mataas na opisyal ng Vatican na sumusunod kay Pope Francis na hindi pa nauubos ang oras para magkaroon ng mapayapang pag-uusap.
Nauna ng nanawagan ng pagdarasal si Pope Francis bago pa man lusubin ng Russia ang Ukraine.