-- Advertisements --
Ipinakita publiko ang bagong popemobile na siyang sasakyan ni Pope Francis.
Ang open-top pope mobile ay gawa ng Mercedez Benz at ito ayall-electric.
Ayon sa Vatican na ito ang gagamitin ng Santo Papa sa pag-ikot para batiin ang mga mananampalataya sa St. Peter’s Square.
Na-modify ito ng German company na G-Class mid-size luxury SUV.
Bahagyang itinaas ang upuan ng Santo Papa para nito ay agad na makita siya ng mga tao.
Sinabi ni Sten Ola Kallenius, board chair and CEO ng Mercedes-Benz Group, na ang bawat detalye nito ay perpekto.
Hindi naman binanggit pa ng kumpanya kung magkano ang kabuuang presyo ng nasabing sasakyan at kung kailan itong sisimulang gamitin.