-- Advertisements --
Isinara na ng Vatican ang Sistine Chapel bilang paghahanda sa conclave kung saan pipiliin ng mga cardinal ang susunod na Santo Papa matapos ang pagpanaw ni Pope Francis noong Abril 21 sa edad na 88.
Inilibing ang Santo Papa noong Sabado sa St. Peter’s Square sa gitna ng isang seremonya na dinaluhan ng mga iba’t ibang lider sa mundo at libu-libong mga deboto.
Kasalukuyang ginugunita ang siyam na araw ng pagluluksa, at inaasahang magsisimula ang conclave sa pagitan ng buwan ng Mayo 5 at Mayo 10.
Sa loob ng Sistine Chapel, ilalagay ang tradisyonal na tsimenea na magbibigay ng resulta ng halalan —itim na usok kung wala pang napipili at puti kung may napili nang bagong Santo Papa.