-- Advertisements --

Ikinadismaya ng Vatican ang pambobomba ng Russia sa maternity and childrens hospital sa Maripul Ukraine.

Sinabi ni Vatican Secretary of State Pietro Parolin na hindi katanggap-tanggap ang ginawang ito ng Russia dahil sa maraming mga sibilyan ang nadadamay.

Handa umano ang Vatican na mamagitan ng usapang pangkapayapaan sa dalawang bansa.

Aminado ito na maliit lamang ang puwang ng negosasyon ay naniniwala ito na mayroong mga kasunduan na maaaring mabuo.

Nagtala naman ang World Health Organization (WHO) ng 24 mga insidente ng pag-aatake sa mga health care facilities sa Ukraine mula ng simulan ng Russia ang pananalakay.

Ayon sa WHO na mayroong ng 12 katao ang nasawi at 17 ang sugatan kung saan dalawa ang mga health workers na rin ang nasawi mula ng simulan ng Russia ang pag-aatake noong Pebrero 24 at March 8.

Magugunitang mayroong tatlong katao na ang nasawi ng tamaan ng bomba ang maternity and children’s hospital sa Maripul.