-- Advertisements --

Nagpasya ang Vatican na gawing libre sa mga mahihirap ang COVID-19 test.

Ayon sa Vatican na isasagawa ang testing sa St. Peter’s Square bilang medical clinic para sa mga mahihirap na tao.

Ang nasabing hakbang ay isang inisyatibo ng Vatican para sa World Day of the Poor sa araw ng linggo, Nobyembre 15.

Sa nasabing araw ay pangungunahan ni Pope Francis ang misa.

Hiniling ng Vatican na bawat simbahang katolika ay gumawa ng pagtulong sa mga mahihirap.