-- Advertisements --
Muling ipinaalala ng Vatican na hindi binabasbasan ng Simbahang Katolika ang pagsasama ng parehas na kasarian.
Ayon kay Cardinal Luis Ladaria, ang prefect of the doctrinal office na walang kapangyarihan ang simbahan na magbigay ng basbas sa mga nagsasama ng may parehas na kasarian.
Dagdag ng The Congregation for the Doctrine of the Faith (CDF) na maaaring mabigyan ng halaga ang pagsasama ng parehas na kasarian pero hindi ito legal.
Pinabulaanan ng CDF na ito ay isang uri ng diskriminasyon at sa halip aniya ay nagpapaalala lamang sila sa katotohanan na dala ng mga kasulatan sa simbahan.