-- Advertisements --
Ipinagbubunyi ngayon ng mga Kristiyano sa Jerusalem ang pagbabalik na maliit na relic na pinaniniwalaang parte ng 1,400 taong gulang na sabsaban ni Hesukristo matapos itong ipadala sa Rome bilang regalo sa Santo Papa.
Ipinakita sa mga mananamba ang nasabing thumb-sized relic sa Notre Dame Church ngayong araw.
Sa sabado naman ay nakatakdang ipadala ito pabalik ng Franciscan Church sa St. Catherine na malapit sa Church of Nativity sa Bethlehem.
Ayon sa Vatican, simbolo umano ng regalo ni Pope Francis ang naging desisyon nito na ibalik ang nasabing relic.