-- Advertisements --
Naglabas ang Vatican ng panuntunan para sa mga obispo at mga senior church officials kung paano tugunan ang mga reklamo ng sex abuse.
Ang nasabing panuntunan ay ginawa matapos ang panawagan ni Pope Francis na dapat magkaroon ng step-by-step procedure.
Walang bagong batas ang nakasaad sa nasabing manual kung saan may form ito na sasagutan ng mga obispo na nagdedetalye sa nasabing alegasyon.
Tinawag ng Vatican na ito ay version 1 at maaaring ma-update sa mga susunod na mga panahon.
Sinabi ni Archbishop Giacomo Morandi ang deputy ng Congregation for the Doctrine of the Faith (CDF) ng Vatican, na mahalaga ang nasabing manual para agad na mabigyan ng pansin nila ang anumang reklamo na kinakaharap ng mga opisyal ng simabahan.